Saturday, October 27, 2007

CLARET FOUNDATION DAY(OR WEEK) 2007 HIGHLIGHTS.....

Well, immediately pagkatapos ng 2nd Quarter Examination, nagsimula na ang Claret Foundation Day 2007. Ito ay espesyal dahil ito ang ika-40 taon ng Claret School of Quezon City.

Ito ang mga nangyari:

Monday October 22:
Nagbukasan na lahat ng food stands, souvenir shops, exhibits, at ang Claret Box Office. Sa gabi nangyari ang isang Living Rosary at Marian Concert na may fireworks display.

Tuesday October 23:
Sa umaga ginanap ang Street Dance Competition kung saan maglalaban ang mga levels ng high school. Ito ang resulta ng kompetisyon:

1st Place: Batch H (3rd Year) bakit sila first. dapat first kami.
2nd Place: Batch Invictus (2nd Year) sayang... pero ok na din GO BATCH INVICTUS!
3rd Place: Batch J (1st Year)
4th Place: Batch Grandeur (4th Year)

Sa hapon, ang Variety Show na pinamagatan "Claret goes Broadway" ay nagsimula sa araw na ito kung saan ang mga mahal nating mga guro ay nagtanghal. Wohhh tapos si Mr. Cristobal at Ms. David nag-kiss, almost. WEEEEEE..... Pero nagsimula din manghuli ang mga nakasuot ng "ON-DUTY" ID's sa mga estudyante na tambay lang. Kaya medyo nag-ingat ako..

Wednesday October 24:
Dapat nagkaroon ng Field Demo ang mga estudyante ng Grade School. pero ito ay na-postpone dahil sa masamang panahon.

Thursday October 25:
Ang Field Demo na naantala ay tinuloy sa araw na ito dahil gumanda na ang panahon noong araw na iyon.

Friday October 26:
Ginanap ang Pet Show, Car Show at Magic Show, ito rin ang final show ng Variety Show at CBO. At ang pinaka-aabangang event ang CBS Concert na pinamagatang "Load 'Em Up" ay ginanap kung saan nagpakitang gilas ang mga bandang PNE, Chicosci, Mojofly, Rubberpool, Check atbp.

Saturday October 27:
Ginanap ang Musicfest. at ito rin ang huling araw ng Foundation Week 07.

Ito ay isa sa mga matatandaang pangyayari sa kasaysayan ng Claret.

Napagod pa nga ako buong linggo pero makakapahinga na din kasi magsisimula na sem break..

ok tapos na ito.
kArLc®


No comments:

Post a Comment